Frequently Asked Questions (Tanong? Tanong? Tanong?)
Tanong 1. Bakit Super Gulaman ang title ng blog na ito?
Sagot: Base ito sa trip ng gumawa at sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay. Ang pangalan ng makabagong superhero na si Super Gulaman ay hango sa nakakatuwang karanasan ng may akda ng blog na ito.
Click here to read the History
Tanong 2. Tao ba si Super Gulaman?
Sagot: Oo. Tao si Super Gulaman.
Tanong 3. Ano ang tunay nyang pangalan?
Sagot: At dahil sa ka-gwapuhan ng ating makabagong superhero, itinatago nya ang kanyang tunay na pangalan. Madami syang "alias" na ginagamit upang maprotektahan ang kanyang "pagkakakilanlan" (*identity in english). Isa na dito ang mga pangalang SuperG, Supie, blade31, bhoyet31, bhoyet, =guesswho=, at
Matsuo Masahiro...ang
Matsuo Masahiro ay ang kanyang japanese name.
Tanong 4. May kapangyarihan ba si Super Gulaman?
Sagot: Meron. Marunong sya ng iba't ibang klaseng ninja skills. Bihasa sya sa taijitsu, ninjitsu at genjutsu. Bukod sa mga kakayahang ito at sa kakaibang bilis may kakayahan din syang gumamit ng "Raygun".
Tanong 5. Kung ikukumpara si Super Gulaman sa iba't ibang superhero, anu ang pinagkaiba nya?
Sagot: Bukod sa marunong syang gumamit ng computer, magbasketball, mag-chess, manood ng naruto, mag-solve ng math problems, hindi sya takot sa Kryptonite.
Tanong 6. Ito lang ba ang blog na ginawa ni
Super Gulaman?
Sagot: Hindi. Madami pa akong ibang blog. Ilan dito ang freeflashgames, ani-maxx, at watchitmaxx
Tanong 7. Meron ka bang friendster, facebook at twitter? Pwede ba kitang i-add?
Sagot: Meron. Oo. Pwede mo akong i-add sa lahat ng social networks na iyan...hanapin lang ang mga links nito sa sidebar (Sunod kayo!)...
More Questions??? email me at: bhoyet@supergulaman.com