...after 15 years...

Monday, January 18, 2010

...matapos ang masayang reunion noon highschool... hindi din padadaig ang mga katropa noong elemetarya...

...ikaw matanong nga kita...naaalala mo pa ba sila? ...sino? ...ang mga kaharutan mo noong nasa elementarya ka pa, ang mga makukulit at makyut mong kaklase noon... huwwwaaaat! alam kong para sa ilan hindi madali na pagsama-samahing muli ang iyong mga katropa noon sa elementarya...kung gaano kahirap bumuo ng reunion sa highschool mas doble ang hirap kung mga kaklase mo sa elementarya ang hahagilapin mo pa...mabuti na lang sa tulong ni Ginoong Fesbuk at effort na din ng presidente ng aming klase noong elementarya nabuong muli ang pagtatagpo-tagpo ng mga bida (*palakpakan kay Richard at sa ating lahat na nag-effort*)...


...nakakatuwang isipin na sa loob ng labing limang taong hindi pagkikita, nagtagpong muli ang bawat isa... sa aming paghaharap-harap hindi maiiwasang imarka muli sa aming mga imahinasyon ang larawan ng nakalipas na panahon... "ito yung ka-height ko dati ah, bakit antangkad na nya...".... "sya ang tirador ng nutri-ban noon"... "ummm sobrang ingay nito, lilista ko ito... NOISY" ... "ang natatandaan ko bading sya noon, ngayon bading pa din, ahahaha... pero swabe ang boses ang galing."... "kyut nya noon, hanggang ngayon..." ..."ganun pa din tahimik pa din sya..." ... "loko-loko sya noon, mas malalala ngayon...ahahaha" ... "kung dati-rati bunot ang buhok nya, ngayon kalbo na!...ahahaha"

ilan lamang ang mga iyan sa biyaya ng muling pagkikita... matapos ang panahong nag-yoyo pa tayo ng sipon... ang gaganda at gwapo na natin ngayon... ang iba'y may mga trip ng kakaiba pero swabe ang saya... dahil sa kalasingan ay nag-careless whisper pa... at ang costume, balahibo lang sa katwan...mala-sergio... ahahaha.... pero hindi pa ito nagtatapos, dahil kailangan makadalo din ng mga taong nawawala sa roll-call... mga katropang lumisan sa bayan at mga katropang hindi mahagilap kung saan-saan... sana sa august makasama ang mga nawawala sa listahan ng noisy... sasagutin daw ni presidente ang venue... katulad ng nakagawian, kwento na lang ang sagot ko... may nakatoka na kasi sa proteksyon... ahahaha...

...salamat muli sa lahat...hanggang sa susunod na muling pagkikita... :)



22 komentaryos:

Arvin U. de la Peña said...

wow grabeh............sa part ko ang reunion lang namin ay sa high school....ang ibang kaklase sa elementary ay naging kaklase din naman sa high school......tiyak masayang alaala iyon kasi iba ang ugali pag elementary pa....makukulit..hehe..pasaway...

Arvin U. de la Peña said...

pinanood ko ang video..maganda ang background music...katulad din ng pag post mo noon ng isa ring video about sa hayskul..ang kanta ng APO ang background music mo..abangan ko ang pagkikita kita niyo muli sa august,,hehe,,,tiyak ipakita mo rin dito sa blog mo ang mga pictures..

EǝʞsuǝJ said...

Hehehe..
nakakatuwa talaga balikan minsan yung nakaraan natin...

kung gano tayo ka-jologs nung kabataan natin
(teka bata pa rin naman ako hanggang ngayon)
^________^

sana ako maka-attend din ng reunion namin..
tsktsk,...
istorbong trabaho naman kase..
heheheh...

kikilabotz said...

gustong gusto ko pumupunta sa reunin. dami kz lage pagkaen eh.hehehe

tapos kmustahan. tapos kwentuhan ng masasayag nakaraan. basta masaya

Kosa said...

Kaya nAman inggit na inggit ulit ako syo pArekoy... Astig na astig!! Aabangan ko yung pagkikita nyo sa august..

SuperG said...

@Arvin U. de la Peña
aheks...in our case siguro mga 10% lng ng klasm8s nmin nun elem ang naging klsm8s din nun highschool... ahehehe...pero magkakaiba man..pareho pa din ng sapak ng utak... :D

@EǝʞsuǝJ
uu nga...nostalgic... mga imaheng hindi mawala sa kukote...

aheks...sabi nga dun sa video, "your job won't take care of you when you are sick, Your friends will."

kaya sa susunod ayain na ang mga friends... :D

@kikilabotz
ahehehe...hindi lang pagkain ang madami dun..madami din chicks...mga dating chicks, at mga lalaking naging chicks... ahahaha.. .:D

@Kosa
cge parekoy... aabangan ko din yun... ahahaha... :D

punky said...

maganda ang background music! ang saya ng reunion nio parekoi!

angel said...

watch ko yung video mo superg. ang ganda everybody's happy. na refresh tuloy sa isip ko yung elementary reunion nmin ganyan din kmi kasaya.. sensya na now lng uli napadaan ingat & god bless:)

SuperG said...

@punky
ahehehe...pahirapan pa nga yan...ayaw i-approve ng youtube ang song...copyright chorchor... ahahahha.. :D

@angel
ahehehe..salamt ulit sa pagbalik...may part 2 pa daw po yan... :D

Gerson Jose said...

ask ko lang po sana , blogger po ba ang gamit mo? panu mo nabago ung domain name? instead of "blogspot.com" ".com" na agd. tnx po

iya_khin said...

saya-saya nun! dating uhugin ngayon uhugin parin! weee!! hahaha!

Arvin U. de la Peña said...

paano ba mag post ng video sa blog..puwede ko ba malaman..sana malaman ko step by step..baka kasi may video akong ipost sa blog ko..thanks..

SuperG said...

@Gerson Jose
ummm kailangan pong bilin ang domain eh... bale $10 pero year nmn po sya..

@iya
yeah...dati mga de-tsupon pa yan ngayon de-bote na... :D

@Arvin
ummm...kung youtube ang gamit mo... meron yan html code (or embed kung tawagin)...sa youtube makikita mo yun sa gilid nun page nun player or sa baba nun info... so copy mo lng yun, then paste mo sa post... :)

Dhianz said...

hi kuyah.. i got some time... lumaboy saglit... pinanood koh yung first half nang video... katuwa naman.. hangsaya.... akoh HS koh... i think nabanggit koh nah sau.. split... sa pinas.. and here... so yeah dheinz koh alam san reunion koh... haha... eniweiz... i can go both... well 'la pah.. layo pa atah.. neweiz... elementary.... uhm... that'll be fun... ayon kc nakasama koh mula i think 2nd to 6th grade... nalipat kc akoh sa 1 nung 2nd grade nah... naks... feeling koh tlgah eh noh... hayaan moh na minsan lang akoh magyabang.. haha... eniweiz 'un... sigh.. kelan mangyari yon..actually nag mini get together na atah silah 'ung sa pinas... ewan koh kelan 'ung big reunion sanah?... ewan... so 'unz... nagtanong kah eh... buti kah fah.. hs and elementary reunion nah.. hangsayah... so yeah... laterz... Godbless! -di

Dhianz said...

so yeah ingatz po lagi.. i think nalimutan koh sabihin yon.. say haller to naruto.. namiss koh na syah... graveh... laterz super G-Sensei =)

chikletz said...

awww ang saya naman.. balak din ng batch namin mag reunion this year eh.. gudlak na lang kung makauwi ako.. huhu..

Arvin U. de la Peña said...

salamat sa iyo..ganun lang pala iyon..thanks uli..

Mister LLama said...

awts..na isip ko tuloy yung elementary classmates ko..ngayong college na kami wala ng balita sa isat isa.=[

Dami na nagbago..=[

You are invited to Llama's Choice Award 2010

MinnieRunner said...

Nakakatuwa ano? Kami rin, malapit ng magreunion with my elementary friends. Sa facebook din kami nagkatagpo-tagpo. Sa comments palang sa isang class pictures a FB abot na ng 500 :)

Patulong nga pala, sumali kasi ako sa isang patimpalak, nangangailangan ako ng maraming komento sa http://myunrevealedthoughts.blogspot.com/2010/01/real-leaf-paparazzi.html Salamat.

gege said...

kami din!
kami din!
sa feb 20...

waaaaah!

pero 8years palang naman!

hehe.

waw!

sana di kami feeling OP. haha!
at sana maging close kami ulit!

:P

Anney said...

Ang saya naman! It's nice to see old friends and classmates at makipag chikahan! Happy Valentine's day!

Hadassah said...

ako, hindi ko alam kung san ako a-attend ng reunion. sa dami ba naman ng naging paaralan ko.;)

[Libre]Bagong Anime!

Libreng Laro

Bagong Pelikula