Martes, Setyembre 30, 2008

Tag Fever

Maraming salamat kina Arah, BB. Alindogan at sa pagsangkot sa akin sa Tag Fever na ito...
....ito na rin ay magsisilbing isang munting pagkakataon pra magpakilala ng bahagya si Super Gulaman....

-----------start copy here---------

1. Link to the person who tagged you (see above).
2. Post the rules on your blog (this is what you are now reading)
3. Write 6 random things about yourself (see below).
4. Tag 6 people at the end of your post and link to them (This is only a game)
5. Let each person know they have been tagged and leave a comment on their blog
6. Let the tagger know when your entry is up.

-------end copy------

6 Random Things About Me

1. Walang koneksyon ang tunay kong pangalan sa mga nicknames ko. Bihira akong tawagin sa totoo kong pangalan. Madami akong nicknames bukod sa mga alias ko sa internet (e.g. Super Gulaman, Matsuo Masahiro, Sasuke). Ang aking mga nicknames ay bhoyet, yet, yetbo at corr.

2. Marunong akong mag-chess....mag-isa.

3. Math major ako pero writer ako ngaun.

4. Natuto akong mag-computer at gumamit ng cellphone pagkagraduate ko ng college (*hindi uso ang technology nung nag-aaral p ako*).

5. 5am ang normal kong gising (*puyat man o hindi*).

6. wla akong hilig mag-basa ng mga novels mas prefer ko ang mag-movie marathon.

ito lng muna...ung ibang details nito ay nsa friendster ko na (*about me section*)...

akin na po itong ipapasa kina:

Sabado, Setyembre 27, 2008

...world peace...

...bilang tugon kay BB. Alindogan sa kanyang katanungan ukol sa "World Peace", narito na naman po ang isang post na maaaring magpabago ng inyong pananaw sa mundo...

...matapos akong makipagbuno sa aking mga tanikala(*), agad kong binasa ang mga komento sa aking nakalipas na post...hindi ko inaaasahan na may magtatanong ukol sa "world peace"...ang totoo nyan, matagal ko na itong tanong sa aking sarili...ngunit maging ang kabilang ako ay umiiling lamang sa mga bagay na ito...ang sabi nya, "dati-rati ang problema mo lng ay ang iyong buhay, bkit ngayon pati problema ng mundo gusto mong pasanin"...at dahil tanong din pla ito ni BB. ALindogan, aking napagtanto na may mga ilang tao din pla ang namromroblema tulad nito, so share-share kmi sa pamromroblema...ahehehe..

...tinigilan ko na ang pag-iisip, pasado alas kwatro na, kailangan ko na ang umuwi...sa jeep, mukhang lahat ng tao ay nagmamadali..uwian na, pero bakit prang may hinahabol sila... si manong driver, ang bilis magpatakbo ng sasakyan, prang eroplano...nagmumura na ang ibang mga pasahero dahil sa pagging kaskasero ni manong driver, bahagyang binagalan nya ang takbo...ok na, mejo hindi na din ako kabado...sa may stop light, isang motorsiklo ang mahilig sumingit...at sakto dun sa sa likuran ng jeep na aking sinasakyan sya puwesto...maliit n lng ang distansya nya sa aming sasakyan, at alam ko na ang magiging susunod nun...naatrasan sya bilang pwersa ng aming jeep sa pagabante...kinalampag nya ang aming sasakyan ay sumigaw na, "hoy! may tao dito sa likuran mo"...sinisisi nya si manong driver dahil hindi daw ito lumilingon sa likuran...napailing lng ako dahil kung sa likuran titingin si manong driver baka kmi nmn ang maaksidente...bumaliko nga ng bahagya ang motorsiklo ngunit mabuti na lng at hindi sila nagtalo ng matagal at umalis n lng ang bawat isa...

..sa bahay...sakto umabot ako sa news...mmhhh..."tatay pinugutan ng ulo ang 12-taon gulang na anak... melamine sa produkto ng gatas, pinangangambahan!... gabby galit kay mommy rose... sundalo laban sa mga bandido, umiigting!., mga pirata umatake sa somalia.."...ilan lamang ang mga iyan balitang na nagpapakita ng mga malulungkot na pangyayari sa mundo... world peace, posible pa kaya?...

...wala nmn talagang perpektong mundo...sa aking papananaw imposibleng mangyari ito sa ating mundo ngaun..hindi ito magagamot ng anumang relihiyon, ng mga pangako ng mga pulitiko, ng mga strike, ng mga protesta... tama nga cguro si Kat, na dapat gawing relihiyon ang pag-ibig, na khit papano mabawasan ang mga kaguluhang ito...pero sabi ko nga hindi din magiging sagot ang relihiyong ito sa paghahanap ng world peace... bkit? ang mundo ay ginawa ng balanse...may masama, may mabuti...ngunit hindi din nangangahulugan na ang hindi paggawa ng masama ay mabuti, or ang hindi paggawa ng mabuti ay masama... hindi ginawa ang mundo pra maging perpekto ito...ginawa ito upang hubugin ang ating pagkatao sa iniisip nating nararapat...sa palagay ba ninyo kung ang mundo ay puno ng pag-ibig, magkakaroon ba ng world peace...posible pero posible din na hindi...madalas kasi ang pag-ibig ay inuukol natin sa mga bagay na ating pinahahalagahan...Diyos, asawa, kaibigan, pamilya....ung iba pera, kayaman, kapangyarihan, kasikatan...ang pag-ibig na ating ibibigay sa bawat isang yan ay tiyak na makakaapekto pa sa iba pa na ating pinahahalagahan...sabi nga ganun daw tlaga.. "balace of nature"...hindi pwedeng lahat maganda, meron din mga pangyayari na pangit...pero ang mahalaga in-enjoy ntin ang buhay...

...world peace...pinilit kong itong hanapin sa ibang tao..hindi ko ito nakita..hindi ko din ito nakita sa yaman na meron ako (*wla pla ako nun)...pero teka nasa puso ko yata ito...nasa pagkatao ko...

(*) tanikala: ito ung mga bagay na gumagapos sa ating buhay upang matugunan ang ating mga pangangailangan sa araw-araw. Ito din ang gumagapos sa mga bagay na nais nating pahalagahan. Kinukuha nito ang ating oras at panahon na dapat na ay ating iuukol sa mga bagay na ating ikasasaya at ikasasaya ng iba tulad ng pag-ibig at pamilya.


Miyerkules, Setyembre 24, 2008

...payat, mataba, masaya, malungkot.....

...love is in the air...mmmmmhhhh, majority ng mga blogs na aking napasyalan ay madalas ukol sa pag-ibig ang tema..hindi ko mawari kung bkit sila nahahawa...February na ba at usapang puso ang gustong ikwento? or tunay nga kayang nagiging matagumpay na si Super Gulaman sa pagpapalaganap ng pag-ibig?....

...bahagya nating puputulin ang ating pagpapantasya, dumako nmn tayo sa usapang pangkalusugan na may koneksyon sa ating damdamin...payat ka ba o mataba? malungkot ka ba o masaya? ayon kay angel at sa mga reader's digest na aking nadaanan, "ang pagtawa daw at pagiging masaya ay nakakapagpabawas ng timbang"...weee..ayaw mo maniwala? cge ito ang ebidensya: (*pindot ka dito*)...ang sabi din sa artikulong iyan, nkakatulong din daw ito sa pagbabawas ng stress level...wow, kaya pla ung mga laughing trip na baliw ay hindi na stre-stress...

...at bilang isang math major, nag-isip ako ng theory na walng kwenta...if a=b, then b=a...samakatuwid, if baliw = payat, then payat = baliw... tumingin ako sa paligid ko...sa bahay namin meron payat...ung kapatid ko, ang sabi nya sa nanay ko, "ma, meron kang screwdriver? lumuwag kasi turnilyo ng utak ko", sabay twa ng malakas.... ahehehe...natawa na lng ang nanay ko...ahahaha...ganun un mag-trip sa bahay kapag walng pasok sa ofiz nya, hindi ko din naisip panu tumatagal ung boyfriend nya sa kanya...ahahaha...

...tinignan ko ang sarili ko sa salamin, mejo tumaba na ako, safe na ako sa pagiging baliw...ei panu nmn ung sobrang matataba, ibig sabihin ba nun hindi sila tumatawa or lagi na lng silang malungkot? tumaba ako ng onti pero malungkot ba ako or bihira ako tumawa?...mmhhh...assessment ulit.... hindi nmn ako sobrang nalulungkot kasi merong nmn akong pag-ibig, tumatawa naman ako madalas, khit mag-isa nga eh...so kung ganun maaring ngang ang pagtawa ay nakakatulong sa pagbabawas ng timbang ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon...at d2 na nagtapos ang theory ko, hindi lahat ng mahilig tumawa ay pumapayat at hindi din nangangahulugan na ang payat ay mahilig tumawa...ganun din sa kaso ng mga matataba...

...akin ding napagtanto na ang tuwa or kagalakan ay hindi lng naipapakita sa pamamagitan ng pagtawa...posible din na ito ay maipakita sa pag-iyak, pakikipag-usap sa sarili,* pagpatay sa katabi* at pagkitil ng sariling buhay*....

*ito ay ayon sa mga baliw na aking nainterview

Martes, Setyembre 23, 2008

...i love you...

Paglilinaw: Si Supergulaman ay isa n ding ganap na tagapagpalaganap ng pag-ibig kung kya huwag po nating isipin na corni ang susunod na ating mababasa dahil sigurado ako na nakadama ka na din ng pag-ibig.

"I love you"... isa itong napakagandang grupo ng mga salita...oo tama! tatlong salita lng yan ngunit masasabi natin na isa syang kumpletong pangungusap (*meron yang tuldok sa dulo, imaginary nga lng*)..kumpletong pangungusap na mayroong simuno at panaguri (*subject & predicate in english)..ngunit sa di ko malamang dahilan o kaya'y maaaring dulot na din ng makabagong teknolohiya..ang magandang mga salita na yan ay nababago na... dahil sa mga shortcut sa txt at mga pa-cute sa chat..ang dating "I love you" ay nagiging...lubshu, mwabshu, ilabu..at iba pa..

..ngunit kung sabagay noon pa man marami na din itong naging itsura...tulad ng 1-4-3 na noong una ay inakala kong numero sa lotto....ang "I heart you", na hindi ko pa din ma-gets hanggang ngaun (*kung hindi nyo alam yan, manood kc kayo ng mga lumang pelikula*)... tuluyan na nga na nagbabago ang panahon..kasabay nun ang aking pag-alala sa paggamit ng mga salitang iyan... hindi nman ako tutol sa mga modifications na ito... gusto ko lng ay maging responsable tayo sa paggamit nito...pagsinabi nating "I love you"...dapat u mean it tlga..dapat nandun ang buong damdamin, walng alinlangan, "walang hiya" (*i mean.. dont be shy*)... madalas kc pagfresh pa ang pag-ibig kumpleto pa ng tawagan..."i love you mahal"...tpos.."i love you too mahal"...paglipas ng ilang buwan..."love you"..."love you too"...tpos anu na ang susunod..."you" na lng...wla na...

...99% sure ako na ang babasa nito ay bihira na ang magsabi ng buong "i love you"...ngunit wla namng problema dun na sa khit anung paraan pa sabihin ang salitang "i love you"...basta ang importante maging totoo lng tayo sa bawat salita na mamumutawi sa ating mga labi....ito kasi ang sumsimbolo ng ating pagkatao...

..ang totoo nyan...wla sa mga salitang "I love you" ang pagmamahal...wla ito sa mga bagay na nakikita or nasasabi...nasa damdamin na nararamdaman ng puso...

Lunes, Setyembre 22, 2008

...tagapagpalaganap ng pag-ibig...

"Pag-ibig?...lintik na pag-ibig yan, kapag nagutom ba kayo mapapakain kayo nyan?"... isa yan sa mga sermon ng mga magulang na naririnig ko s mga kabataang nagpipinto ng mag-asawa...pero....

"Pag-ibig.... bakit ka mangungupahan pa kung kaya naman magkabahay na!"... ahehehe...hindi b tama?...maaari ngang hindi ka mapakain ng pag-ibig, pero ang magkabahay ay posible....

...ngunit tunay ngang ang pag-ibig na wagas ay maaring hindi lng magbigay ng "bahay" kagaya ng sinabi ng patalastas na iyon bagkus isang "masayang tahanan" (*seryoso bigla*)... tama! mga kapatid sa pananampalataya, ang inyong kapatid na si Super Gulaman ay isa na ding ganap na tagapagpalaganap ng pag-ibig (*hindi sa sensored na iniisip mo*)... gusto kong ibahagi ang masayang pakiramdam na dulot na pagmamahal...kung kya narito ang mga ilang video montage na ang tema ay pag-ibig... sa mga in-love, halina't sumabay sa pagkanta at sariwain ang alaala ng inyong mga mahal....sa mga hindi pa nakakatikim ng pana ni kupido, halika na at mainspire...oo nga po pla...hindi ko gustong pasamain ang damdamin ng mga broken hearted sa paggawa ng post na ito, bagkus nais ko kayong i-inspire sa paghahanap ng taong para sa inyo... ang pag-ibig ay hindi isang destinasyon kundi isa itong mahabang paglalakbay...enjoy the ride...









note: ang mga videos na inyong natunghayan ay may permiso sa may-ari

Linggo, Setyembre 21, 2008

Ako'y Tinag/Nitag (*Propagating Friendship Award*)

----start copy here-----

Thanks to Marvierhose and Kaye for this great Award

I love the blogs of these people and I'm glad to pass this award onto them! All they need to do is to leave the following message on their post when they pass the award on to their chosen eight bloggers.

They all are charmed with the blogs, where in the majority of its aims are to show the marvels and to do friendship; there are persons who are not interested when we give them a prize and then they help to cut these bows; do we want that they are cut or that they propagate? Then let's try to give more attention to them! So with this prize we must deliver it to 8 bloggers that in turn must make the same thing and put this text.

I'm passing this award to:
----end copy-----

Biyernes, Setyembre 19, 2008

...usapang buhay...

...anu nga ba ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay?..oo tama! bakit tayo nilikha?..bkit tayo sumasaya? bkit tayo nalulungkot? bkit tayo nagmamahal? bkit tayo nasasaktan?... maaring ang iba sa inyo hindi din lubos maunawan kung bkit ko tinatanong ang mga ito... ang totoo nyan, kahit ako din hindi ko alm ang dahilan...

...ang sabi nila, ang tao ay nilikha dahil may tungkulin syang dpat gampanan d2 sa mundo ayon sa itinakda ng Maylikha... itinakda? gampanan? tungkulin?...

...madami tlaga akong tanong sa buhay...ang karamihan dito ay walang sagot...ay mali pa..lahat pla kasi ng klase ng tanong ay may sagot...un nga lang hindi mo malalaman kung ang mga sagot n ito ay tama o mali...natulala na nmn ako sa monitor ko ngaun, hinahanap ang mga sagot sa mga katanungan ito...wala akong mapagtanungan kundi ang sarili ko...at muli kinausap ko sya khit na nag-aala na ang sagot nya ay mali...pero cgurado ako na sasagutin nya lahat ng tanong ko...

...hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa..tinanong ko n sya, "totoo bang ang tao ay nilikha dahil may tungkulin syang dpat gampanan d2 sa mundo ayon sa itinakda ng Maylikha?"...wla din syang kagatol-gatol na sumagot..."oo", wika nya... at muli nagtanong ako, "kung ganun na ang lahat pla ay nakatakda, bkit hindi na lang ginawa na ang nakatakdang pagkakataon ay maging maganda? bkit hindi gawin na ang tungkulin gagampanan ay gawing madali? bkit meron pa ding kasamaan? bakit may mga nasasawi? ito ba ung mga nakatakda?"...napakunot lamang sya sa mga tanong ko...nag-isip ng bahagya...sumagot sya, "may kaalaman ang Maylikha na hindi abot o kayang unawain ng tao...."...hindi na ako umimik sa mga tugon nya..bagkus nag-isip na lng akong mabuti..

..."eureka!"...oo tama, alam ko na ang sagot sa mga tanong ko...gusto nyong malaman? gusto ko ding sanang ibahagi sa inyo un ngunit hindi sapat ang mga letra, numero, at mga simbolo upang ipaliwanag iyon...pero kung inyong iisipin nagsimula ito nung tayo ay nagka-isip (*adan & eve story*)...tama "rationality" ang naging dahilan ng mga tanong ko...at kung ganun, kapag inalis natin ang "rationality" posible na masagot ko ang mga tanong...gusto kong kausapin ang mga baliw at mga hayop bka kc masagot nila ako...pero hindi ko na hahayaan na mapunta ako sa puntong iyon, hihinto n ako sa pag-iisip....

..ngunit posible nga na ang mga dahilan ay nasa tao mismo...nasa knyang paraan pano mag-isip, nsa knyang mga aksyon, nsa mga pagkakataon, at nasa damdamin at puso...ihinto na natin ang isipin tungkol sa mga dahilan bakit tayo nabubuhay, i-blanko ng bahagya ang utak...tumingin ka na lng sa paligid mo, makiramdam, pakinggan... gamitin mo ang ung mga pandama... "di ba tama?...lahat ng yan ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay...."

Miyerkules, Setyembre 17, 2008

..."usapang kadiri (Part 2)"...

...aking po pinasasalamatan si Binibining Alindogan sa muli nyang pagtalakay at pagbibigay buhay sa issue ng mga bagay na kadiri na akin din tinalakay noon...kung kya bilang dagdag sa ating kaalaman at isipin narito na nmn pong muli ang ating ..."usapang kadiri (Part 2)"...

...tunay ngang madami ng kagimbal-gimbal na karahasan at mga kadiring bagay ang nagaganap sa ating lipunan..kabilang na nga dito ang tinalakay ni Bb. Alindogan tungkol sa pagtatalik ng kapwa babae sa babae habang sila ay kumakain ng kanilang dumi (*tae*) (*search nyo na lng sa youtube.com : TWO GIRLS AND ONE CUP VIDEO*) at ang patayan sa indonesia (*POSO*)...madami sa atin ang hindi lubusan nauunawaan ang ganitong gawain... ang iba sa inyo ay nasusuka na sa mga kadiring bagay na ito ngunit maaari ding ang iba sa inyo ay nagtatanong kung bakit nila naisipang gawin yun (*ang pagkain ng tae at ang pagpatay ng kung sinu lang)...

...ang totoo nyan, inde ko din mawari kung anu ang "tama" ng mga taong ito sa kanilang utak... pinikit ko ang aking mata...pinilit kong pumunta sa kanilang posisyon, ngunit makailang saglit pa, blanko ang aking balintataw...walang makitang tamang dahilan... at dahil dito, kinausap kong muli ang sarili ko (*bati na kami ngaun*)...tinanong ko sya kung anu kaya ang posibleng dahilan sa likod ng mga ganun kaganapan...sumagot si Ako...."ang nangyari sa poso ay maaring epekto ng mga pangayayari sa Lipunan, maaaring epekto ng Reliyon katulad ng binanggit ni Bb. Alindogan sa kanyang entry.....pero maaring epekto din ng kahirapan, at posible din na dahil sa nalapastangang dangal"..... eh paano nmn ung sa Two Girls and one Cup?, tanong kong muli....sumagot sya sa akin, "dalawang bagay ang maaring dahilan..una, maaring nawala na cla sa katinuan..pangalawa, hindi na nila alam ang pagkakaiba ng mga bagay...ang tama at mali, ang masakit at masarap, ang mahirap at madali"...ei di ba kapag hindi na nila alam ang pagkakaiba nun pwede n nating sabihin sila ay baliw...muli sumagot sya, "pwede nga natin silang tawaging baliw, pero meron pa ding conscious sa bahagi ng utak nila, at un ay noong ipakita nila sa buong mundo ang kanilang kabalastugan..."

...sa puntong ito, nag-isip akong mabuti, inisip ang mga bagay at gawain na pra sa akin ay kadiri... oo nga, ang tao ay gumagawa ng kadiring bagay ayon sa kanilang emosyon at kaalaman... maaring ang kamangmangan at matinding emosyon ay magtungo sa paggawa ng mga kadiring bagay at ang paggawa ng kadiring bagay ay magdulot ng kasamaan hindi lamang sa sarili kundi sa buong lipunan...

Assignment (*pra sa lahat*): Alamin ang lasa ng tae. Ipaliwanag ang lasa at sensasyong nadama sa pagtikim ng tae (300 words). Ipost ang sagot sa inyong blog pra sa aking pagbisita.

babala: huwag gagawin ang pakikipag-usap sa sarili, ito ay ginagawa lamang ng mga eksperto at may tama sa utak.

...magdasal daw twing umaga sabi ng grasya...

..isang mapagpalayang umaga sa inyong lahat...wla pa akong maisip na bagong entry na maibabahagi sa inyo...tulog pa ang aking diwa...ngunit pasasaan din magkakaraon din ito ng laman... Kung kaya bago natin simulan ang magandang umaga...halina't magdasal sa Poong Maylikha....

ang susunod na panalangin na aking ibabahagi ay base sa pananaw ng Math Major... (*hindi akin ito, pinakabisado lang sa amin ito nun college kami*)...

Prayer in Mathematics
-Anonymous

Lord teach me to number my days
And Graph them according to Your ways
Trusting you to base me in Your plan
To complement Your perfect diagram

Subtract the points You don’t want for me
But add the values You set from me
Divide the dividends I possess accordingly
So I can multiply them systematically

Draw the lines I have to follow
Guiding me properly of Your arrow
Because sometimes I tend to be irrational
Yet all the while You want to be rational

Well, I learn that life is like a slope
With ascents and descents I must cope
Going through such a wonderful formula
Is just like solving problems in Algebra

Life indeed is an infinite equation
Perfected by eternal computation
And I only miniscule projection
Giving thanks and praise to Your
Almighty creation.

Amen.

Martes, Setyembre 16, 2008

...pangpasaya...

Note: Ang inyong matutunghayan ay isang math joke ngunit walang dapat ikabahala ang mga taong ayaw at takot sa Math., hindi ito nakakapagpadugo ng ilong at nakakasira ng utak. Ang kwentong ito ay mula sa aking kaklase na si Mark A. a.k.a. "Poklong". Hindi ko alam kung saan nya ito nakuha ngunit masaya ako na ibahagi din ito sa inyo. May mga parteng sadyang binago sa kwento upang kunwari meron din akong "originality"...

Merong isang mayamang lalaki na nahihilig sa pagbili ng iba't ibang klaseng sasakyan. At dahil sa sobrang hilig nya dito, nauubusan na sya ng parking space sa kanyang bahay. Sa katunayan, bumili ang lalaking ito ng isang bagong 4 x 4 na sasakayan (*ito ung mga 4-wheel drive na sasakyan na kadalasan ay may nakasulat n 4x4 sagilid nito*). Maganda ang kulay nitong dilaw.



At sa kadahilanang wla na syang parking space, naisipan nya na lng na iparada ito sa harapan ng kanyang bahay. Makalipas ang buong magdamag, nagulat sya sa nangyari sa kanyang sasakyan. Meron itong gasgas gawa ng isang malaking bato. Ginasgasan ito ng isang bata. Ganito ang itsura ng gasgas,


tama!...sinagutang nung bata ang 4 x 4 ng = 16...napakunot ang lalaki kinabukasan at agad nyang pinapinturahan ulit ito. Katulad ng nakagawian, ipinarada nya ulit ito sa tapat ng kanyang bahay...



ngunit kinaumagahan, meron na naman itong gasgas gawa ng batang makulitn at muli ang gasgas na nakasulat ay = 16


...naiinis na ang mayamang lalaki, kung kaya naisipan na nya na ipasadya ang nakasulat na pintura...sa halip na 4 x 4 lng ang nakasulat, pinasadya nya itong gawing 4 x 4 = 16..ito ang naging itsura,


kampante na ang mayamang lalaki na hindi na muling gagasgasan ng bata dahil nilagayan na nya itong ng sagot...At muli pinarada nya ito sa tapat ng kanilang bahay. Kinaumagahan nagulat na lang ang lalaki sa nangyari sa kanyang sasakyan, meron ulit itong gasgas...

Click Here to find out


*sa mga hindi nagbasa at natawa...adik ka ba?
*sa mga hindi nagbasa at hindi natawa...cge na basahin mo na..
*sa mga nagbasa at hindi natawa...weeee!...manhid 'to..humor level mo 0/100...
*sa mga nagbasa at natawa... cge tawa pa...para masaya magcomment ka na... ahehehe...


Lunes, Setyembre 15, 2008

...lilok...

Disclaimer: Ang susunod na inyong matutunghayan ay base sa kathang isip ng may-akda. Ano mang bahagi na may pagkakahawig sa tunay na buhay at iba pang kwento ay hindi sinasadya. Ang kwentong ito ay handog sa mga kababaihang naging biktima ng karahasan.

Ako si Marie... tubong Paete, Laguna. oo nga pla, ito naman ang kapatid ko, si Lita.. Dalawa lang kaming magkapatid kung kaya labis ko syang minamahal at khit kailan hinding-hindi ko sya pababayaan.

Natatandaan ko pa noong mga nasa ika-anim na gulang pa lang ako at si Lita naman ay apat na taon na din noon, palagi kaming pinapasyal ni Itay at Inay sa dagat. Doon masaya kaming nag-pipicnic. Gustong-gusto ko ang dagat..malamig ang hangin, mainit ang tubig, sing-init ng pagmamahal ng aking pamilya..Simple lang ang buhay namin noon, pero khit papano masaya naman kmi. Khit wla kaming gaanong laruan noon, nakakasya na kming maglaro ng mga papel na ginupit-gupit. Si Itay simpleng trabahador lang ng isang sikat na iskultor na si Mang Kadyo...Si Itay ang naghahatid ng mga nalililok na pigura sa mga simbahan at iba pang kliyente....At si Inay naman, siya ang nag-aalaga sa amin... Isang simpleng maybahay ang Inay. Simple lang din ang buhay namin noon at salat sa ibang bagay, pero kahit salat kami sa ilang bagay punong-puno naman kami ng pagmamahal sa isa't isa.... Pinag-aral din kmi ni Inay at Itay nun. Ito kasi ang gusto ni Itay, ang makapagtapos kming dalawang magkapatid. Ang saya nga noong una akong pumasok sa paaralan...maraming kaibigan, maraming kalaro... Ito ung mga panahong ayaw ko na sanang matapos...pero...

...nasa ikalawang taon na ako ng hayskul nun noong nagsimulang mawasak ang masaya naming pamilya... humahangos ang Inay noon sa aming paaralan nang sunduin nya ako... Naaksidente daw ang Itay...kritikal... bumanga daw ang sinasakyan ng itay sa isang truck noong nag-deliver sila na naging dahilan ng pagkahulog sa bangin... halos manlumo ako nung oras na iyon... sa ospital, sa simbahan tuloy ang dalangin namin ni Inay na sana mailigtas ang Itay....pero hindi pa lumipas ang maghapon....tuluyan ng nagpaalam ang Itay... nawala na sya... nawala na din ang aming mga pangarap...

...ilang araw ng burol ni Itay, ilang araw din ng hinagpis nmin ni Inay...wla din kaming pera noon...tanging si Itay lng naman kasi ang naghahanap buhay sa amin... Buti na lng may mga kapitbahay kaming handang tumulong... Ang mga pamilya nmn nila Itay at Inay, masyadong malayo sa amin at wala kaming balita sa kanila... Malungkot at mahirap ang mga pangyayaring iyon ngunit nairaos pa din namin ang libing ni Itay...

...matapos ang libing ni Itay, namumugto pa din ang mata ni Inay...may mga pagkakataon n tulala sa kawalan... sa may balkonahe, lumapit ako kay Inay, niyakap ko sya ng mahigpit at sinabing kaya natin ito... ngumiti ang Inay, ngiting hindi puno ng kagalakan..kundi ngiting puno ng hinagpis at pag-asa... "Anak, wag kayong mag-alala..magtratrabaho ako pra sa atin...pra sa inyo"... "nangako ako sa inyong Itay na hinding-hindi ko kayo pababayaan".... makailang saglit pa ng aming pag-uusap na iyon...may kumatok sa pinto..."Tok tok".... dagli kong binuksan iyon, at si Mang Kadyo, may mga dalang pagkain at iba pang gamit... "Alam kong maliit na bagay yan, sa pagkawala ng Itay mo, pero alm kong makakatulong yan", wika ni Mang Kadyo... dagdag pa nya, "Minda alam kong kailangan mo ng trabaho ngayon, kung gusto mo, dun ka na lng sa akin magtrabaho"....malungkot ang mga mata ni Inay ngunit bahagya syang tumango... "Ako'y aalis na, Minda maaari ka ng magsimula sa Lunes kung kaya mo na...oo nga pla, kunin mo muna ito ,panggastos nyo....wag kang mag-alala hindi yan utang, bigay ko yan pra sa inyo"... at yun na nga umalis na si Mang Kadyo....

...mabilis lumipas ang panahon, halos dalawang taon na din ang nakaraan ng iniwan kami ni Itay..nasa ika-apat n taon na ako kolehiyo ngaun at si Lita second year high school na... pero kung dati rati masaya akong umuuwi sa bahay, ngaun labis akong nag-alala kay Inay...lagi ko na lng sayang nadadatnang puno ng pasa ang mukha at umiiyak... ang dahilan...Si Mang Kadyo....

...niligawan ni Mang Kadyo si Inay noong nagtratrabaho pa ito sa kanya...at yun na nga dahil n din cguro sa matinding kahirapan namin at alok na pagpapakasal ni Mang Kadyo...pumayag na din sya... noong una, wla naman kaming problema kay Mang Kadyo, mabait sya tulad ng Itay...binibilhan nga nya kmi noon ng mga manika at magagandang damit... pero khit anu pa man hindi pa din ako sang-ayon bilang kapalit nya sa aking Ama... pero pumayag na din ako sa kanilang pagpapakasal sa pakiusap ng Inay at pra sa kinabukasan namin ni Lita....

...masakit para sa akin n nakikitang nasasaktan ang Inay...pero isang araw, pag-uwi ko sa bahay...hindi ko nakita ang Inay...bagkus nandoon si Mang Kadyo...tinanong ko sya, "nasaan po ang Inay?"..."ang nanay mo?... pumunta lng sa bayan, may biniling gamit pra d2 sa mga kahoy"...pagkatapos ng sandaling iyon, dumiretso na ako sa kwarto pra magbihis...

...mag-aalasais na din ng hapon noon pero hindi pa din bumabalik ang Inay..nag-aalala na ako., lumalakas n din ang buhos ng ulan.. at maya-maya pa dumating n din si Lita...tinanong ako ni Lita, pero sinabi ko na nsa bayan...Noong puntong iyon, mula sa silong ng bahay, nagulat n lng kmi ng sumabat ang aming amain sa aming usapan..."mukhang may bagyo yata ngaun, malamang bukas pa makakauwi pa ang nanay nyo"... "Halika nga dito Lita at tulungan mo akong isilong itong mga kahoy"... mga alas-7 n noon matapos ang pagliligpit nila..at ako nmn tapos na din magluto, at handa na kming kumain...

...habang kumakain..."pagkatapos mong kumain Lita, bumili ka ng Gas sa kabilang baranggay, at sigurado, mawawalan ng ilaw mmya", tumutol ako.."bkit hindi na lng kayo ang bumili, masyado ng gabi iyon at malayo ang kabilang baranggay"....dalawang oras kasi halos ang patungo sa kabilang baranggay at wala na ding sasakyan pang ganoong oras, kung kaya obligado tlaga na maglakad.....ngunit ang sabi nya, "may hinhabol ang order ngaun, at sinu nmn ang gagawa nun?"... "ako na lng ang bibili", tutol ko.. "hindi pwede, may papatulong ako sau mmya"...ilang saglit pa umalis n din si Lita...tinawag n din ako ni Mang Kadyo sa silong pra magpatulong.... kinukuha ko na ang mga gamit sa paglililok ng isinara ng aking Amain ang tarangkahan ng silong... inisip ko na baka lumalakas lng ang hangin kya nya isinara... nagulat na lng ako ng bigla nya akong sunggaban... pilit akong nanlaban ngunit wala akong nagawa... nagmakaawa ako sa kanya, ngunit isa syang bingi na hayok na hayok sa laman... panagpasasaan nya na ang aking murang katawan....tanging ang mga santong nililok ang piping saksi sa kahayupan ng akin amain...

...matapos ang pangyayaring iyon...wla pa din ang inay...ilang araw at linggo ang lumipas ngunit wla pa din sya...isang gabi ng malakas ang ulan, alam ko na aking sasapitin...katulad ng kinagawian..paaalisin nyang muli ang aking kapatid pra bumili ng Gas sa kabilang baranggay..pero ngaun hindi na ako tumutol...ayokong sapitin ni Lita ang kanyang kahayupan...

..bago umalis si Lita, kinausap ko muna sya habang abala si Mang Kadyo sa pag-aayos ng gamit sa silong..."wag kang bumili ng Gas, dumiretso ka sa parke, hintayin mo ako dun mmya"..hindi ko n sya hinyaang magtanong at agad ko n syang pinaalis.... alas-8 na nun ng pinababa ako ng aking amain...muli isinara nya ng pintuan..."Mabuti nmn at hindi na matigas ang ulo mo ngaun", sabi nya... "nasaan na po ang Inay, bkit hindi pa sya bumabalik".... "ang Inay mo?...hindi na babalik un, nandoon na sya ilog, kinakain n sya ngaun ng kung anu-anung mga hayop"....halos, madurog ang puso ko ng mga sandaling iyon...patakbo na ako patungo sa pinto ng bigla nya akong haltakin...umiiyak ako, magsusumbong na ako sa kinauukulan... "hinahanap mo ba ang nanay mo?..ito sya...binuksan nya nga drum na dating pinaglalagyan ng mga natasang kahoy..., nakakasulasok ang amoy, pero sinilip ko pa din...nandun ang Inay, wala ng buhay... ang aking lakas tila hinigop ng lupa..nanlumo ako sa natunghayan..hinayaan ko ang amain na muli nya akong pagsasaan...

...umiiyak ako sa sulok matapos ang dusang iyon, pero hindi na ito dahil sa takot..umiiyak ako dahil sa gagawin ako... makailang sandali pa hawak ko na ang piko, dumertso ako sa kwartong kyang pahingahan...hindi na akong nagdalwang isip pa... ipinalo ko iyong sa knyang ulo....sa kanyang katawan...maraming beses...nagmakaawa sya...walng akong nadinig...hangang tuluyan n nga sayng hindi gumalaw....

...nagpalit ako ng damit....bitbit ang payong..pumunta ako sa parke, nandun c Lita...niyakap ko sya, mahigpit na mahigpit...pumunta kmi sa simbahan...sa simbahan na kung saan nandun ang mga santong nililok ng aking Amain...


Susunod na Kwento Lilok: Ikalawang Yugto


Biyernes, Setyembre 12, 2008

...kulay...

...kulay...

"wat es yur peborit kulor?...my paboret kulor es penk... ekaw?"...aheks, yan ung sabi ni inday habang kinakausap nya ung alaga nyang baby... hinde ko lang kung naiintindihan sya ng batang kausap nya...ang totoo nyan hindi ako nag-alala n hindi sya maintindihan dahil sa sobrang bata pa ung kausap nya, nag-alala lng ako kc blonde ang color ng hair ni kid...sa tantsa ko wla pang 4 years old ang bata...pero in-fairness..slang c kid..."i like the blue yaya"... mmmhhhh....ayus bata pa lng si kid blondie meron n syang favorite color...

....habang napapangiti ako sa kanilang "talakayan" (*ehehehe mas feel kong gamitin itong term n ito, kya wag ka ng kumontra*)...naisip ko lng kung anung edad ako nagkaroon ng favorite color.... nag-isip ako ng matindi... isip ....isip ...isip... naglakad habang nakatingalang nag-iisip... mmmhhhh....uy, malambot ito eh....shit! tae to!... naghanap ako ng buhangin sa paligid..pero wla... katatapos lng kaya ng ulan...ayun sa gutter meron tubig... buti n lng mejo malabot un at madaling nalusaw...pero hindi dun nagtapos ang aking pag-iisip... pero wla akong napala, hindi ko din kc maalala...basta nung grade 6 ako meron kmi slumbook nun..tpos nilalagay ko sa favorite color ko nun ay "m2m"...lahat ng mga tanong dun n hindi ko alam sagutin..nilalagay ko lng ay m2m...grade 6 na ako nun pero hirap tlaga ako sa khit anung bagay na may koneksyon sa language o grammar...uu nga pla ang ibig sabihin ng m2m ay "many to mention"...aheks...

...pero anu nga ba ang favorite color ko?....color blue...uy! favorite ko ung color na un bukod sa black at "white" (*hindi pa ako sure kung color nga ang white, sabi kc nila absence of color daw un*)..then next na ung yellow at violet sa mga favorite color ko...see?! sabi sau eh "m2m" ung mga favorite colors ko...

...lahat kaya ng tao merong favorite color(s)? cguro...

...pero oo nga lahat ng tao meron favorite color... ung mga bulag paano un? ung mga color blind..ung mga hindi kabisado ang color wheel?...anu-ano nga ba ang mga kulay sa rainbow?...ROYJONES ba un?...ah basta un na un...

...sa tantsa ko meron din favorite color ang mga bulag..since wla nmn silang magawa kundi i-appreciate n lng ang kadiliman..i guess black ung favorite color nila...ang kaso hindi ko din alm kung madilim nga ung nkikita ng mga bulag...(*wow bulag nga eh, panu un nakakakita..ang labo ko n nmn)... hindi ko kc alm kung anu ung tamang term pra sa napeperceive ng mga bulag n mata... ang kulit ko..bulag nga eh...e di wla...ngunit posible nga na may favorite color sila khit hindi nila sadyain...depende un kung anu ung nadun sa likod ng knilang mga mata...(*utak kaya ang nasa likod ng mata..ahehehe..*)...

...e paano nmn ung color blind? ang color blind ay nhihirapan lng sa pag determina ng color blue, green, red, at mixture ng tatlong kulay n iyan..so khit hindi nila alm kung anu ang pagkakaiba ng mga kulay, may nkikita pa din clang mga kulay n khit hindi nila alm kung anu un or kung anu man ang tawag nila dun, pwede pa din clng pumili... base sa aking pag-iisip (*umatake n nmn baliw)...ang mga paborito ntin kulay ay dumidipende sa ating character, pinahahalagahan at nakakasalamuha... maaring gusto natin ang kulay na iyon dahil may magandang bagay n nagyari sa atin kalakip niyon..or ito n ung nakasanayan na ntin, or pwede din na no choice, or trip lng..wag ka ng makiaalam...pero meron pa din tayong mga gustong kulay...

...eh bakit nga ba may kulay pa?

...simple lng...pra maapreciate at madetermina nating ang mga bagay-bagay...isipin mo n lng na kulay itim lahat ang kulay sa paligid mo...d ba ang hirap?..hindi mo malalaman kung anu ung pagkakaiba ng mga bagay-bagay (*thing-thing sa english*)...

..ang kulay pra sa akin ay tumutukoy din kung pano ntin pahalagahan ang isang bagay o khit maging sa tao man...halimbawa, ang Grasya ko... hindi ko pa talaga naitatanong sa kanya kung anu ung favorite color nya...pero base sa kulay ng mga damit n binibigay nya sa akin, sa damit na lagi nyang sinusuot, sa mga gamit nya...ang favorite color nya na alam ko ay yellow...bukod dun, mahilig din sya sa black at blue... maaring ngang hindi ang favorite color ang nagdedetermina ng ating pagpapahalaga sa isang tao... maliit na bagay lng ang kulay... pero bakit simpleng kulay na bahagi ng kanyang pagkatao hindi mo pa alam? mahalaga ba talaga sya?

...masakit na ang ulo ko kaka-isip sa mga color ng rainbow? ROYJONES ba ulit un? (*ang kulit ko*)...aheks..pero bago ko tapusin ang blog entry ko, gusto ko lng mag-tanong...

...kung may GF or BF ka? alam mo ba ng favorite color nya?
...kung wla ka nmn GF or BF, anu ang favorite color ng taong pinakamalapit sa puso mo (*wla sa choices ang mga babies*)?

Miyerkules, Setyembre 10, 2008

..ang tunay na siga...

...noong bata pa ako nakatira kami sa isang exclusive village...pero hindi ito gaya ng inaakala ninyo, hindi kmi mayaman...nangungupahan lang kami sa isang maliit na barong-barong sa loob ng village... siguro mga 15 years din kami dun tumagal, kung baga dito ini-spend ang aking pagkabata... sa village na yun marami din naman akong kaibigan, pero lahat sila de-kalibre...lahat may sinabi sa buhay, lahat mayayaman...sila ung mga nasa class A na pamilya..at kami syempre nasa class D or baka nga class E pa...pero kahit ganun man, wala akong naalalang issue ng discrimination mula sa mga kababata ko...masaya kami ng tropa ko, pero minsan may away din..mga bata kasi eh...

...sa loob ng village meron kaming tinatawag na hide-out, madalas dito kami tumatambay..naglalaro, kwentuhan, kumakain, kulitan, asaran, sapakan...ahehehe.... ang hide-out nmin na ito ay isang abandonadong bahay sa loob ng village...malaki yung bahay na iyon, kumpleto...pero sira-sira na iyon tapos wasak pa ang ibang parte nang dingding, wala na ding nakatira...pero bago namin maging hide-out ito, pinagpaalam muna namin ito sa guard sa village...di ba mababait na bata kami?... at dahil close kami ni manong guard, pumayag din sya...at yun nga meron na kaming hide-out...at dahil nga sa lahat sila ay mga anak-mayaman, nagdadala sila ng mga laruan at mga pagkain na ikinatutuwa ko...madami kaming magkakatropa nung bata kami..una na dito ang mga apo ng kasera namin, si ate jonalyn, at yung mga kapatid nya sila BJ at benjie...kasama din nmin yung dalawang anak nung amerikano naming kapitbahay, si Antonette at Aira...nandito si Kashmir, anak ng bumbay...si xiantao, isang chinese...bukod dito kasama namin yung ka-buddy ko nun si JAM, si JAM ang pinaka-mayaman sa lahat..pero mabait siya...as in halos lahat ng lakad nila ng pamilya niya, isinasama nya ako, sa ShoeMart laging libre niya...minsan nga sa shangrila hotel sinama niya din ako noong may family gathering sila..., pero grade 5 pa lang kami nun siya na yung batang mahilig manchicks, meron na din syang GF nun, si Aira...si JAM ay anak ng isang dating DOTC undersecretary at ngayon ay Head ng Business Licensing sa QC Hall..., oo nga pla kasama din namin ang isang matabang batang baboy na si MJ...ito yung batang kinaiinisan ko noon...ang totoo niyan madami talaga kaming magkababata..nandun sila Leo, Maryknoll, JB, Mark, Veronica..yung iba hindi ko na maalala ang pangalan..pero kung sa mukha, maalala ko sila...

...tulad nung karaniwang bata....nakikipag-away din ako...si MJ ang unang nakatikim ng aking malutong na kamao...naglalaro kasi kami 'non sa hide-out tapos narinig ko 'yong kapatid ko na umiiyak...lumapit ako at tinanong kung bakit?..biglang sumingit sa MJ at sinabing "Hala ka, pinaiyak mo.."...wala akong kasalanan pero bakit ako ang sinisisi nya...isa pa kapatid ko yun...alam ko na si MJ ang nagpaiyak sa kapatid ko noong puntong iyon... kailangan kong patigilin ang kapatid ko sa pag-iyak, sigurado pagnakita ito ng tatay ko na umiiyak, ako ang papagalitan...pero tuloy pa din si MJ sa pang-iinis at paninisi,..nagalit na ako...nagsingkit na ang aking mga mata..kumunot ang noo...tiniklop ang mga daliri, inipon ang lakas...at ibinigay ang isang malakas na suntok sa mukha ni MJ..., napatihaya si MJ...sabog ang kanyang kilay...nangitim ang parteng iyon ng kanyang mata..nagulat din ang mga batang kasama ko dun...at maging ako man ay nagulat din sa ginawa ko...tumahimik na din sa pag-iyak ang kapatid ko...pero bago pa makatayo si MJ, tumakbo na ako palayo sa lugar....

...hindi ko alam kung saan ako pupunta..pero hindi ako dapat umuwi ng bahay..mapapagalitan ako sigurado nun..pumunta ako dun sa bahay ng tiyuhin ng tatay ko...dun muna ako nag-stay ng ilang oras..pero umuwi din ako..at yun na nga..pag-uwi ko nandun sa bahay ang nanay ni MJ...pero laking gulat ko hindi ako pingalitan or pinagsabihan ng nanay at tatay ko...tahimik lang sila...

...hapon na din nung araw na iyon ng magpabili ng alak ang tatay ko sa akin...makalipas ang ilang oras lasing na ang tatay ko...tinawag niya ako at pinaupo sa tabi ng mesa..nag-simula na ang litanya...ang sabi nya, "hindi sa kinukunsinti ko yung ginawa mo, tama lang na ipagtanggol mo yung kapatid mo, pero hindi ka dapat na nanakit"....hindi namamalo ang tatay ko pero meron siyang kapangyarihan na kung ano ang ipinag-uutos niya, kailangan mong sundin yun..tumango lang ako sa mga sinasabi nya...hindi naman ako masyado napagalitan nun gabing iyon..or baka hindi lang siguro sila makapaniwala na napatumba ko yung ganung kalaking bata...malaki si MJ sa normal na grade 5 na bata..at ako naman ay patpatin...pero iba talaga ang kamao ko...

...marami pa akong nasalihang basag-ulo...si kashmir nakatikim din yun ng aking matinding "rageful blow"...karamihan ng away ko sa basketball yun...ilang beses na din pumutok yung nguso ko at pisngi dahil sa mga gulong iyon..pero khit kelan hindi ako umuwi sa bahay na umiiyak...baka mapalo lang ako ng nanay at mapaaway ang tatay...oo tama, palaban din ang tatay ko..wala yung inuurungan, khit sino ka man basta inapi ang sinuman sa pamilya namin, magtago na kayo...

...naalala ko noon nung sinama niya ako sa pinagtratrabahuan niyang palengke...merong hinabol ang grupo ng tatay ko dahil binugbog daw ng taong iyon ang binatang anak nang kumpare niya...kasabay 'non sunod-sunod na dumating ang mga tricycle ng kanyang tropa na may dala-dalang kutsilyo, itak, sumpak at mga pamalo...magulo na nung oras na yun sa palengke.., may mga pulis pero walang magawa...masyadong madami ang tropa ni itay..tuloy ang habulan...at hindi ko na nalaman kung paano nakasuko ang lalaking iyon sa mga pulis...oo, siga si itay...kilala siya sa palengke...pero hindi sa kanyang tunay na pangalan..."Bulldog" ang tawag sa kanya dun...malaki kasi ang kanyang katawan noon at walang sinuman ang siga sa palengke na pumapalag sa kanya...magaling din kasi makisama ang itay, kaya madami ang thumbs-up sa kanya..bukod dito, siya lang ang siga sa palengke na may magandang pangarap para kanyang mga anak..walang tinapos ang tatay ko, grade 1 o hindi pa nga ang inabot niya...isa lang siyang kargador sa palengke ngunit ganun pa man sinikap nya kaming anim na mag-kakapatid na pag-aralin... pero noon hindi ko inuunawa ang hirap niya noon sa amin..hindi ko man lang na-aapreciate iyon...

..madalas lasing ang tatay ko noon, madalas din na ako yung tinatawag niya pra makausap kapag lasing sya..ilang beses niya din na inuulit sa akin na mag-aral akong mabuti at wala daw syang yaman na pwedeng ibigay sa amin..wag ko daw siyang tularan na hindi binigyan pansin ang pag-aaral...pero ang totoo nyan hindi naman ako naniniwala noon na grade 1 lang ang inabot niya...magaling kasi siya magbasa ng tagalog o kahit english man, mas magaling din sya sa akin kung kwentahan lang ng numero ang pag-uusapan...pero yun ang totoo sabi ng tita ko..tamad mag-aral ang itay, imbes daw na papasok..madalas sa puno daw ng bayabas ito tumatambay... noong mga panahong iyon nagagalit pa din ako sa kanya sa kadahilanang lagi siyang lasing... as in araw araw... ang sabi ng nanay ko, nahihirapan daw ang itay matulog ng maaga at magising ng madaling araw kaya ganun...3am ng madaling-araw kasi ang simula ng trabaho ng tatay ko sa palengke...mabigat ang trabaho ng itay, ilang banyera ng isda ang kailangan niyang i-deliver sa mga tindera sa palengke...

...makalipas ang ilan taon, pa-graduate na ako...naging masasakitin na din ang tatay ko..epekto yun ng alak at ng trabaho niya sa palengke...nagtampo nga ako sa kanya noong graduation ko dahil kahit pamasahe papunta sa venue ng graduation ko wala siyang maibigay..masamang-masama ang loob ko...pero ngayon ko lang nauunawan na mas masakit sa kanya yun...gusto niyang gumawa ng paraan pero paano? may sakit sya...at hindi lng dito nagtapos ang tampo ko...malapit na ang exam sa PRC nun, pero hindi ako nakapag-apply dahil wala nga kaming pera, kinailangan ko pang palipasin ang isang taon para makapagtrabaho at makapag-ipon...lumipas ang araw, may trabaho na kmi ng ate ko...tumutulong na kmi sa pamilya ko...sa mga panahong iyon, nagiging maiinitin na ang ulo ng tatay ko..hindi namin maintindihan kung bakit..hindi naman na sya nag-tratrabaho dahil sa kanyang sakit, kami na ang gumagawa ng mga responsibilidad niya...sumasama na talaga ang loob ko sa tatay ko dahil sa pagiging mainitin ng ulo niya at lalo na pagsinasabi nya sa akin na gusto na niyang mamatay...sinasabi niya yung mga bilin niya sa akin na pag sya ay nawala...kailangan kong alagaan ang mga kapatid ko sa abot ng aking makakaya...ayaw ko siyang pakinggan noong oras n iyon..hindi sa dahil binabalewala ko siya or may sama ako ng loob sa kanya... mahal ko ang tatay ko...mahal n mahal...ayaw ko siyang mawala...makalipas ang ilang araw mula ng bumalik kami ng aking Grasya galing sa Bohol...nagpaalam na ang tatay ko...hinintay nyang dumating kmi at matapos ang kaarawan ng kapatid ko at Pasko bago siya mawala...umalis na nga ang itay, kapiling na niya ang Maykapal..hindi na sya babalik kailanman...

...ang tunay na siga, ang aking tatay...walang takot na hinarap ang pagsubok ng buhay..hanggang kamatayan...salamat sa paggabay...salamat sa mga pangaral, salamat pag-aaruga, salamat sa walang katulad na pagmamahal...salamat... Happy Birthday Papa..

Martes, Setyembre 9, 2008

..siga o adik...

... naranasan nyo na bang makipag-usap sa sarili nyo?...ang makipagtalo sa sarili?...ung tipong gusto mong gawin pero ayaw mo...ito ung pagkakataon n nahihirapan kang magdesisyon sa mga bagay-bagay... naranasan mo n din ba ang makipaglaro sa sarili?...ung iba sa inyo, hindi ko alm kung nagawa n ito...pero noong bata pa tayo as in noong isang uhuging musmos pa lamang tayo nahihihilig tayo sa mga toy cars, robots, baril barilan...kung babae ka nmn mahilig k sa mga paper dolls, kitchen set toys.... at khit mag isa ka, enjoy na enjoy ka sa paglalaro...

...ngaun medyo may edad na tayo (*hindi ito nangangahulugan n matanda na tayo)...i mean ngaun nsa wastong gulang at isipan na tayo, nakukuha nyo pa bang maglaro mag-isa?...kaya mo bang magsarili? (*waa bastos na iniisip mo)...ang ibig kong sabihin, magsariling maglaro..(*waaa, bastos p din ang dating)...cge pra maayos, sabihin nting maglibang mag-isa...(*whew, ayan ok n cguro ang term)...ahehehe... pero ang totoo, mahirap tlagang maglibang mag-isa d b? ...pero may mga taong loner n kayang maka-survive at magsaya ng solo lng...un ung mga idol ko... nung bata pa ako, nakikipaglaro rin ako sa sarili ko...with effects pa nga un eh...kablam...tagum!...shing shing!....at khit tulo n laway ko sa pagsasabi ng mga sound effects n yan...enjoy n enjoy p din ako..., madalas kc nsa loob lgn ako bahay nun dahil paglumabas ako ng bahay nag-popower trip n ako... nakakatuwa isipin ung mga power trip ko nung bata pa ako..nanjan ung papaliguan ko ung pusa ng kapitbahay, sasapakin ko ung anak nung kapitbahay tpos iiyak un...magsusumbong sa nanay nya, tpos tatakbo ako sa bahay, didiretso na ako sa kama tpos kunyari magtutulug-tulagan o kaya nmn masakit ang chan...so khit magsumbong ung nanay nya sa nanay ko..hindi na ako mapapagalitan (*style bulok)...

...pero ngaun malaki na ako, (ay maliit p din pla ako)...ngaung nsa wastong gulang n ako mabait n ako, inde na ako nagpopower trip pero nandun pa din ung habit ko na mkipaglaro sa sarili...minsan nga, nag-chess akong mag-isa..kinalaban ko ang sarili ko...as expected sa sarili ko, magaling din sya...nahirapan talaga ako...lahat ng maisip kong atake sa chess, meron syang pantapat n depensa...naiinis ako sa knya, nahihirapan tlaga ako...hindi ko din alm kung dinadaya ako ng sarili ko...gusto ko syang sapakin noon, pero hindi ko din alm kung paano...at yun n nga, tinalo nya ako sa chess..nagalit n din ako sa knya..hindi ko sya kinausap ng ilang araw...pero hindi din sya nakatiis...nakipagbati din sya sa akin...inaaya nga nya ako na maglaro ng Games of the General...ang kaso wala kaming arbiter, ikaw pwede ka ba?


Lunes, Setyembre 8, 2008

...uri ng mundo....

...mundo (*world)...sabi sa isang commercial sa TV..."bilog ang mundo"...bilog nga ba?...ang sabi kc nung teacher ko nung elemetary pa ako, hindi daw tlaga bilog ang mundo...ang sabi nya elliptical daw na mejo nakatagilid (*tilted ng bahagya)...hindi ko alm kung totoo un o binobola lng ako ng teacher ko nun at parang nakuha nya lng un sa chizmis... pero sa bagay wala nmn talagang perpektong bilog.... na khit gaano ka pa kagaling sa pagguhit ng bilog hindi pa din sya magiging perpekto...gumamit k man ng computer or khit anung makina sa pagguhit ng bilog hindi sya perpekto tulad ng inaakala natin...

noong nsa highschool pa tayo alam natin na ang value ng pi ay 3.1415926535......(*basta marami pang numbers ung susunod dyan)... (patuloy lang po ntin ang pagbabasa, wag po tayong matakot sa math)...so un na nga, ang pi ay ratio ng diameter at circumference ng bilog...at sa kadahilanang ang diameter at circumference ay parte ng bilog marapat lamang na akma at merong syang nagiisang value ng pi...na kung saan sa lahat ng klase bilog (malaki man o maliit) dapat iisa lng ang value ng pi...pero hanggang sa panahon ngaun wla pa din ang nakakatuklas sa tunay na value ng pi...alam ntin na 3.14 nga sya...pero hindi yan ang actual n value..marami pang digits ang susunod sa knya...walng pattern, random, hindi sakto.... isa lamang yan sa mga patunay na hindi pa tayo nakakagawa ng perpektong bilog....kung sa bagay wla nmn perpekto sa mundong ito...unless ang pangalan mo ay "Perpekto"...ahehehe...

...anu nga ba ang mundo?...change question please...cge, ito n lng, "anu ang meron sa mundo?"... sympre madami... tao, halaman, hayop, kaibigan, buhay..madami...iba-iba...cgurado ako ngaun, may mga bagay kayong na-ikokonek kapag mundo ang pinag-uusap...magkakaiba tayo kc ng pananaw sa buhay, magkakaiba ng mundong ginagalawan...ung iba nmn sa inyo masyado ng makamundo ang iniisip...ahehehe, sensored...pero khit anu pa man yang mundo n yan...maaaring kabilang yan sa dito apat na uri. Base sa mga bagay na ginagawa ko ngaun, masasabi kong meron tayong apat n mundong ginagalawan. Ito ay ang (1) Real World, (2) Astral World, (3) Cyber World, at (4) Imaginary World.

Real World- ito yung actual na ginagalawan ntin....nandito ang ating pisikal n anyo...ito ung mundo na mahirap kontrolin...ang mga pagkakataon d2 ay maaring hindi ayon sa iyong kagustuhan... sa mundong ito, makakadama ka ng sakit, hirap, saya..iba't ibang emosyon....sa mundong ito, hindi uso ang plano...nangyayari ang mga mangayayari spontaneously...wow! english...

Astral World- ito ung mga mundo ng mga gifted...cla ung may kakayahan na paalisin ang kanilang spirit sa pisikal n katawan... walng limitasyon sa mundong ito., pero tanging ang may mga gifts o third eye ang maaaring makapaglakbay saan man nila naisin, tintawag itong "astral projection"...kung kaya hindi ito simpleng imagination ng pag punta sa isang lugar...sa katunayan, ito din ang mundo na ating pinupuntahan habang tayo ay natutulog...maaring ang mga pangyayari d2 ay maging totoo din sa real world pero madalas isa n lamang itong panaginip...

Cyber World- ito din ay tintawag n virtual world...madalas d2 n din ako nakatira sa mundong ito... ito ang mundo ng makabagong teknolohiya...ang mundong ito ang madalas umubos sa oras ng mga tao sa real world...sa cyber world, maaring ikaw ang bida, pwede din ikaw ang kalaban...halos pareho ng Real World pero halos lumalapit sya sa imaginary world...matagal ang oras n ginugugol ko sa mundong ito...nandito kc ang trabaho ko..dito na din ako naglalaro...sobrang busy ng mundong ito... gusto mo b sa mundong ito?

Imaginary World- pag-alis ko sa cyber world, d2 na ako tumutuloy...dalawang klase ang imaginary world...ang Past at ang Future...ang Past ay ang mga pangyayari sa buhay mo na naganap na...d2 muli mong aalahanin ang mga sandali ng iyong buhay, mga malulungkot at masasayang alaala...sa kabilang banda, ang Future nmn ay tumutukoy sa iyong mga plano, sa iyong mga pangarap...sa kadahilanang naging hobby ko na ang mag-isip ng mga walng kwentang bagay..d2 n ako namamalagi..inaalala ang mga masasang pangyayari nuon....at iniisip ang mga pangarap ko sa sususnod n panahon...

Tama, posible ngang hindi lang apat ang uri ng mundong ginagalawan natin. Sa palagay mo sa anung mundo madalas ka namamalagi?

..time for sale...

.."time is gold"...familiar?..yup...yan kc ung mga motto ng mga classmate ko nung elementary p lng ako...siguro lagpas kalahati sa amin noon ang may motto na ganyan...pero syempre hindi ko motto yan...iba trip ko sa kanila...time is gold, ang oras ay ginto?....mmhhh hindi ko pa din gets kung paanong naging ginto ang oras?...noon, tinanong ko na din ito sa teacher ko...ang sabi nya sa akin.."ang oras ay ginto dahil ito ay mahalaga, di ba ang ginto ay isang napakahalagang bagay?"... ei kaso bata pa ako nun, hindi na ako pumalag sa sabi ni teacher..

...lumipas ang panahon, hanggang ngaun problema ko pa din ang mottong iyan..."time is gold"... hindi ko kc kilala ung nagsabi nyan ang bkit ginawa nyang ginto ang oras...cguro mas ayuz pa kung sinabi nya na "time is like gold"...ang totoo nyan hindi naman ako salunggat sa mga katagang "time is gold"... pero kung iisipin ntin..saan lng ba cla nagkapareho?...oo nga parehong ang ginto at oras ay mahalaga...pero bakit hindi n lng sabihin na "time is diamond"...ayun mahalaga din nmn...at bkit gold pa ang pinili...hindi nmn rhyme ung time sa gold...pareho lng clang 4-letter word...alam ko din na tulad ng ginto pwedeng nakawin ang oras, tulad ngaun..ninakaw ko na ng 5-10 minutes ng oras mo sa pagbabasa lng nito... sabi nila, ang oras na nawala ay hindi na daw maibabalik pa...totoo nga...pero ang ginto, kpag nawala maibabalik pa kaya? sabagay kung ninakaw ang ginto or in-snatch..malamang na hindi na nga bumalik un...totoo din na ang oras ay pd ntin ibenta pra tayo ay mabuhay...at tulad ng ginto pareho cla ng purpose...

...pero bakit time is gold? sabi ni nga teacher, "dahil daw cla ay parehong mahalagang bagay"... bagay??...hindi nmn kumikinang ang oras ha tulad ng sa ginto? ...ang oras ay abstract noun, hindi nakikita, hindi nahahawakan....isa lamang syang idea..pero alam ntin na mahalaga...bka nmn figure of speech lng ito...mmmhhh...cguro...pero isa pa, lahat tayo ay may oras...pero hindi lahat ng tao ay may ginto... kung ang oras ay ginto, bkit o'clock ung ginagamit ntin sa pagbabasa ng orasan at hindi karat..."4:30 karat na, ang TV na" (*alam mo ang palabas na Ang TV twing 4:30 kung ka age-bracket kita)...iba ang dating kapag ang karat ang ginamit at hindi o'clock d b?...

...katulad ng sinabi ko hindi nmn ako disagree sa mottong "time is gold"...gusto ko lang ng isang malinaw na paliwanag kung bakit time = gold...marami akong oras ngaun, ginagamit ko ang mga un sa pagtunganga...gusto ko snang ibenta, bibili ka ba?

...kape sa tanghali...

Note: Ang inyong matunghahayan na sulatin ay aking ginawa habang nagkakape sa tanghaling tapat. Walng bahagi ng mga susunod na pangungusap at parirala ang may koneksyon sa kape.

...malungkot ang paligid ngaun...hindi ko alm kung saan nanggagaling ang ganoong pakiramdam...sa init ba ito ng araw sa labas?...o bka nmn sa playlist ko ngaun?.."blues" kc ung trip kong music ngaun... hindi nmn din ito epekto ng task ko...pero bkit ganun?... nakausap ko nmn ang aking Grasya ngaun araw na ito...pero bkit ang lungkot?..hindi kya dahil sa sinabi nyang namimis nya ako ng sobra... o baka nmn dahil mas sobrang namimis ko sya... matatagal-tagal n din n hindi ko sya nakikita...pero khit anu pa man, lagi ko nmn sya kasama...nand2 sa isipan at sa aking puso...

1 missed call, 2 missed calls, 3 missed calls...waaaaa...sobrang mis ko na nga sya... oo nga, baka epekto din ito kc ng hobby ko...ang mag-isip ng kung anu-anu... totoong mahirap ang kalagayan ko ngaun...mahirap ang laging nag-iisa...sa jip, lagi akong nag-iisa, kumakain ako sa foodchain ng nag-iisa,nagsisimba akong nag-iisa...wla akong gana n pumunta sa mall, gusto ko kc c Grasya ang kasama.. pero ang totoo nyan inde nmn ako loner, masayahin akong tao, palakaibigan, makulit..prang adik... pero dumadating pa din ako sa punto n hinahanap ko sya... hindi ito simpleng pagkakataon sa buhay ko...simula p man, lgi ko n tlga syang hinahanap...maging busy man ako sa trabaho maghapon...may mga saglit n hihinto ako at iisipin ang mga pagkaktaon n magkasama kmi...ung mga kulitan nmin...ung thumb war...ung mga hagod sa ilong...ilan lng yan sa mga nagpapangiti ng bwat sandali ko sa araw-araw... natutuwa nga ako minsan sa sarili ko, nagagawa kong ibalik ung parehong pakiramdam n nadama ko nung mga masasayang sandaling iyon kya kht saglit napapangiti tlaga ako... minsan nakatitig ako sa kawalan at tpos mahuhuli ko ang sarili ko n nakangiti na...pra akong baliw...pero yan siguro ang sikreto ko kya khit papano nakaka-survive ako sa matinding kalungkutan...

...pero ngaun bkit ang lungkot? ...dahil b sa pumapasok na ako sa realidad... realidad na hindi ko sya kasama ngaun..realidad na malayo sya sa piling ko...realidad n sa pag uwi ko ngaun hindi ko sya makikita...ganun pa man umaasa ako sa pagkakataon na makakasama n kmi..hindi lng isang araw, isang buwan...kundi habangbuhay...

..tapos n itong blog entry n ito, naalala ko ulit ang masasayang sandali nmin ng Grasya ko...npapangiti na ako...hindi simpleng kalungkutan ang tatalo sa pangarap nming dalawa...wala..

Linggo, Setyembre 7, 2008

...wala...

..ilang araw na din na wala akong blog entry..hindi k0 alam kung sadyang tinatamad lng ako, o dahil sa wala tlaga akong mailagay n bagong kalokohan...pero ang totoo nyan masipag tlga ako..masipag akong gumawa ng "wala"..meron din akong mga naiisip n magagandang topic..mga topic n base sa aking imahinasyon at sariling karanasan...ang kaso nga lng, hindi ko cla ma-itype o mailagay d2...mas gusto ko kc ang tumunganga at mag-isip n lng...kya hanggang ngaun hindi ko pa din alm kung saan tutungo ang blog entry kong ito...ang totoo nga nyan wla pa itong title...mmya pa cguro pag naisipan ko n itong tapusin...

madalas lagi akong nakatanga..wag nmn ung nakatanga, ang pangit eh... palitan natin ung term,...sabihin n lng ntin "ang gumawa ng wla"...ayun d b mejo ok?...pero iniisip ko din ito kaninang umaga...paano nga ba gumawa ng "wala"... kung naalala nyo or mahilig kayong magbasa ng mga libro ni pareng Bob Ong...ito ung trabaho ni Ulang..."ang gumawa ng wala"... at un na nga inisip ko kung paano nga gumawa ng "wala"...pero ang hirap...alam ko ung iba sa inyo, malamang n iniisip n baliw ako or iniisip na nagtatanga-tangahan lng ako...ung iba nmn ganito ang sasabihin "madali lng ang gumawa ng wala, basta tumunganga k lng at wag kang kumilos, un makakagawa k ng wala"... sa tingin ko, hindi un ganun kasimple..pagtumunganga ako or hindi kumilos hindi ibig sabihin na gumagawa ako ng wla...posible nga na nakatunganga ako, pero gumagana p din ang utak ko..."doing nothing is actually different from thinking to do nothing..." wow! English, pa-cheese burger naman...ahehehe..ang totoo nyan hindi ko tlga alm kung ok ung subject-verb disagreement nyan..agreement pla...basta un n un, absent kc ako lgi sa grammar subject ko nun..ay hindi pla, tlagang hindi lng ako pumapasok sa mga subject n ganun...so balik tayo sa usapang wla...hindi ko kc magawang blanko ung utak ko...kung matutulog naman ako...hindi ko masasabi na gumagawa ako ng wala...kc nga ang ginagawa ko ay "natutulog"...sa math ganito ung representation nun...zero is not equal to null...pag-sinabing zero meron p din syang value..pero pag null..hindi na sya zero kundi blanko...

...see?!..mejo ang laki na ng problema ko d b?...panu ko gagawing blanko ung utak ko khit isang saglit lng...sinikap ko tlagang mag research kung panu ang gumawa ng wla...nagbasa ako ng mga yoga books, stress management books...pero wla nmn silang sinasabi kung paano tlga ang paggawa ng wla...base sa isang nabasa kong libro..hindi ko n sya i-cite...plagiarism n ito...ahehehe... "ung paggawa daw ng wla sa loob ng sampung minuto ay makakatulong daw sa pag-aalis ng stress"... so un lng ung sinabi..ang labo p din, hindi man lng nagbigay ng tips panu ko gagawin ung "wala"....pero kung magbabasa tayo ng mga books ni Guru Ram Dass, mapapansin ntin na ang paggawa mismo ng wla ay halos kapareho sa tinatawag na meditation...ang meditation ay simpleng "mind conditioning"...wow! mejo tumataas na ang pagtingin ko sa paggawa ng "wala"...ang meditation ay isang uri ng mind conditioning na kung saan isinusuko natin ang ating attention at ang conciousness (*ayoko ng i-attempt na tagalugin ang word na "conciousness")...sa ngaun meron ng iba't ibang konsepto ang meditation..depende un sa mga yoga teachers at sa focus...uu nga pla pra malinaw..hindi ko sinasabi na ang paggawa ng wla ay meditation na...hindi pa din kc ako sigurado kung un nga un...

..pero ako, hindi nmn tlaga ako nagme-meditate...wla akong alm sa mga bagay n yan...ang gusto ko lng nmn ay gumawa ng "wala"...pero habang iniisip ko ang paggawa ng wala, meron n nmn akong bagong problema...naiisip ko lng kc kung ung meditation ba ay related sa paggawa ng "wala"...kayo anu sa palagay nyo?

Miyerkules, Setyembre 3, 2008

..isang madugong labanan...

...alas siete n ng gabi, binuksan ko ang aking monitor...wla nmn tlaga akong gagawin, gusto ko lng tignan kung anu ang nangyayari sa himpapawid...wla nmn bago, ganun pa din...wla nmn kasamaan akong nahagilap... makalipas ang tatlumpung minuto pinatay ko n din ang monitor...

..handa na akong magpahinga ng oras na iyon ng biglang lumitaw si "EKIS"..tama c EKIS nga...sya ang aking matagal ng kaaway...mahigit n sa sampung taon akong nakkipaglaban sa kanya...may mga pagkakataon n natatalo nya ako...pero madalas lagi kong nagagapi ang kanyang kabuktutan...

...galit c EKIS nung oras na iyon..gustong makipaglaban...it's another job for Super Gulaman...tenenen..tenenen...tenen!... nag-change costume na ako..handa na din akong lumaban... pero iba na ang diskarte ngaun ni EKIS...bigla syang nag-kagenbunshin (*)...ayun dumami na nga sya...hindi lng dalawa, hindi tatlo..kundi apat na EKIS...saglit pa, pinagsasama-sama nya ang kapangyarihan iyon at nsa ika-apat n level n sya ng kanyang kapangyarihan...tinawag nya iyon na "integration of powers"...nagulantang din ako sa pagsulpot ng kanyang isang kakampi c "D"...nagbigay galang ito kay EKIS...mukhang malakas ang mga ito, mahihirapan yata ako....

...nag-isip ako ng istilo....hinalukay ko sa aking isipan kung panu ko sya nagapi noon...inukilkil ko sa aking kukote kung anu nga ba ang teknik na akma sa mga ganitong kapangyarihan...sinubukan kong gamitan sya ng aking ninja skills...sharinggan!..walng epekto...malakas talaga...raygun!...wla din, ayaw tumalab...ginamitan ko sya ng nature skill ko...ang kapangyarihan ng ugat (*square root)...wala ding nangyari...kahit anung pilit kong ilagay sya sa kahon ng mga ugat, hindi ito gumagana...nag-isip akong mabuti..bka tirahin nya ako at baka hindi na ako makabangon...pinag-aralan ko ang kanyang formation ngaun..ito ang nakita ko...(integral of X^4 dx)... kung gagamit din ako ng integration of powers...dodoble lng ang lakas nya..kaya nyang i-absorb un...halos wla na akong pag-asa nung oras n iyon ng dumating c super "C"...sya c constant...malakas sya..para syang boomerang ng atakihin nya cla EKIS at D...pero ang atakeng iyon ay hindi sapat pra pabagsakin ang mga kalaban...sinabi ni Constant na kailangan ko ng gamitin ang "anti-differentiation technique"...hindi pa ako bihasa sa ganitong technique pero kailangan kong gawin...una, hinati ko muna ang sarili ko sa lima at paakyatin sa ikalimang bahagi ang chakra ko...inisip ko na sapat n iyon pra matapatan ko ang ikaapat n level ng kapangyarihan ni EKIS...sa madaling salita naging ganito ang itsura ko...(1/5 x^5)... pero kulang pa din ayaw nyang matinag...pero bago pa sya umatake...nagsabay n kaming dlawa ni constant sa pag-atake...ubos na ang chakra ko..huling tira n nmin ito...(1/5 x^5 + c)...ayun...sapul...tuluyan na nga na nwala c EKIS sa aming paningin...pero hindi ko iniisip na namatay n nga sya ng lubusan..alm kong babalik syang muli upang maghasik ng kadiliman...pero nandito lng ako upang ipagtanggol ang sangkatauhan...

..natapos n din ang pakikipaglaban...nanghihina n din ako...napagod ang aking mata sa paggamit ng sharinggan...kailangan ko ng magpahinga...

Note: ang inyong natunghayan ay base sa aktual n pangyayari ng pakikipaglaban ni Super Gulaman kay EKIS... ang technique na ginamit ni Super Gulaman ay ayon sa istilo ng pagresolba ng mgaproblema sa "integral calculus" ...ito ang actual na presentasyon:

(*)TRIVIA: Ang kagebunshin ay kakayahang padamihin ang sarili sa pamamagitan ng isang matinding Chakra control...




Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 3:06pm A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? apila para sa masa aswan (bilang isa) Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito balanse baliktad ba? batas ng tao bidaman Big Job bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) brick buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Chip Tsao college contest Cory Aquino dies Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw desisyon destinasyon dos Duality Dupe Tara Lakad Tayo EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etong sa'yo...raygun exam day Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? Facebook (Pesbuk) FAQ's first time mo? flesh-eating disease Friendship Funny Exam Answers Gelika Bless gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday hiatus higante History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap jeepney juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan kisame kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro tayo Learning Japanese (for pinoy) life Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan mcarthur mensahe minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero ouch our life pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pilipinas Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school seryosong usapan Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace