Ang Unang Paglipad ni Super Gulaman!

Friday, August 8, 2008

mga katatoto ito ang unang araw ng paglipad ng ating makabagong superhero...dandadanan tanan...tenenen...Super Gulaman!

tama! ito ang unang araw ng pagbuo ng blog ito....ang blog ng ating makabagong superhero...mula sa ating paboritong blog na "Narutomaxx", ang blog na nagpapaligaya sa mga tagasubaybay ng Naruto, ang blog na ito ay maglalarawan sa iba pang hilig, kalokohan, pakikipabaka sa buhay ng may likha ng "Narutomaxx"... ang temang Super Gulaman ay mula sa makulit na imahinasyon ng kanyang dating estudyanteng filipino-chinese...

History of Super Gulaman
...katatapos lng nmin sa math subject nun, at diretso na kmi upang tumungo sa kanyang Filipino subject... pero bago mag-aral kumain muna kmi napakasarap na "halo-halo"...yumyum...damn...sarap talaga!...burp burp...
hindi ko maipaliwanag ang sarap na aking ndama sa pagkain ng masarap na "halo-halong iyon"... at habang kmi ay kumakain, nagulantang na lng ako sa hirit ng aking student...

Teacher, i really like this "Halow-haloww"! (*slang*)..especially, the banana and of course the "gulaman" (* ang bigkas nya sa word na ito ay kapareho kung panu nating bigkasin ang ating favorite superhero na "batman, superman, spiderman")...dun ako namangha na naging superhero na pla c Gulaman...akala ko nun isa lng syang masarap na rekado pra sa halo-halo...at dahil nga sa pagkakataong iyon nalikha na ang makabagong superhero na tutulong sa pagpapasaya ng malulungkot nating mundo....

sa blog na ito...samahan nyo ako sa aking makikibaka sa bawat pakakataon..samahan nyo akong tumawa (*tawang baliw), umiyak (*parang si sisa*).. at magtrip (*parang adik*)...at dahil unang araw lang ng blog na ito...wag ka munang umasa na may susunod pa akong entry ngaun araw na ito..bukas na lng..bwahahaha!(*twang-dimonyo*)...

N.B.: kung may mga tanong kayo o request o suhestiyon pra mapaganda ang ating Narutomaxx, mag-iwan lang kayo ng comment d2...paalam muna...zzzoooomm!

0 komentaryos:

[Libre]Bagong Anime!

Libreng Laro

Bagong Pelikula