...higante...

Friday, July 10, 2009


"there is a giant within you" -- Dr. Normita Villa

matagal na din ang panahon ang nakakalipas ng aking maging propesor si Dr. Villa...siguro mahigit sa limang taon na din...noong mga panahong iyon isa syang bise-presidente ng aming unibersidad kung kaya naging abala sya sa ilang mga bagay... ang totoo nyan hindi niya kami tinuruan... oo tama! hindi nya kami tinuruan ngunit sa lahat ng mga propesor at mga duktor na nagbahagi ng kaalaman, kay Dr. Villa kami maraming natutuhan... weird?

"mathematics of investment" ang nakatokang disiplina na dapat ibabahagi sa amin ni Dr. Villa... ngunit umpisa pa lamang ng klase sinabi nya na hindi sya magtuturo...ang sabi nya magiging gabay lamang namin sya upang gisinging ang natutulog na higante sa aking pagkatao...sa aming pagkatao..."higante sa aking pagkatao?" ... napapangiti talaga ako sa mga sinabi nya...noon pa man isa na pala akong Jinjuruuki (*alam mo ito kung fan ka ni naruto*)... hindi ko nga lang kung ilang tails meron ang bijuu na nasa loob ng aking katawan...ahahaha... pero ang totoo nyan hindi iyon ang tinutukoy ng aming propesor.... kundi ang aming itinatagong galing na matagal ng nakahimlay sa aming pagkatao...galing na hindi mo aakalaing kayang-kaya mo... bilang mag-aaral sa kursong "BS Mathematics" , pinatunayan ni Dr. Villa na kaya naming matuto na hindi umaasa sa kanya...

....ayon sa kanya, ang mga aklat ay nagbibigay ng kaalaman ngunit hindi ng karunungan kagaya ng mga sa pantas... maaari ngang matuto ka sa mga aklat ngunit ang tunay na dunong ay nasa ating pagkatao noon pa man...naghihintay lamang magising sa takdang panahon at pagkakataon kung saan handa itong tanggapin ng iyong katawan, puso at isipan... tunay ngang isa lamang akong "ordinary student"...pangkaraniwang mag-aaral na uhaw sa kaalaman... ngunit darating din ang pagkakataon sa isang pagbabago, ang pagiging "extraordinary student"... paano? ano nga lang ba ang kulang sa "ordinary student" para maging "extraordinary student"? di ba "extra" lang... extra effort, extra focus, extra time, extra tiyaga, extra pagsisikap... mga maliliit na bagay at pagkakataon na maaari mong idagdag sa iyong ordinaryong gawi...at sapat ang mga iyon upang maging "extraordinary" ...

...may halaga ang mga maliliit na pagsisikap...lalo na kung ito ay mula sa puso at may pinag-aalayan...








17 komentaryos:

...sayang...

Sunday, July 5, 2009

walang bagong kwento... walang bagong laman... wala... sayang...



Sayang by Moonstar88

Gising na, harapin ang umagang maganda

Lagi na lang, nasa sulok, nagmumukmok

Bata ka pa, marami ka pang di nararanasan

Wag kang magpaiwan, pagka’t oras ay walang hinihintay

Sumigaw, indak ng panaho’y iyong isayaw

Maglaro’t, tumalon-talon, wag bilangin problema ng panahon

Habulan, taguan, sa munting paraiso’y magmahalan

Tingnan mo ang mga bituin, lagi lang nagniningning

Sayang, sayang. Bakit mo hinayaan?

Sayang, sayang. Bakit pinabayaan?

Di mo maibabalik, araw na lumipas

Wag problemahin ang bukas ay para bukas

Sayang, sayang. Bakit mo hinayaan?

Sayang, sayang. Di mo na nadaanan?

Sayang, sayang. Bakit pinabayaan?


18 komentaryos:

..sampung taon...

Saturday, June 27, 2009

sampung taon na din ang nakakalipas ng huli kong makita ang ilan sa kanila...nakakatuwang isipin na sa tagal ng panahon nagdaan, hindi pa din sila nakakalimot sa apat na taong pinagsamahan sa paaralan... mga taong puno ng mga ala-alang naging bahagi na ng aming pagkatao... sampung taon na ang lumipas...may mga nabago... hindi iyon maiiwasan.... pero hindi nito mababago ang pakakaibigan na hindi na mawawaglit sa puso ng bawat isa...

dalawangpu't pitong taon gulang na kaming lahat...taong isang libo siyam na raan, siyamnapu't siyam ng sabay-sabay naming lisanin ang paaralan...ang paaralang humubog hindi lamang ng aming isipan kundi ng aming kabuuan...napakasarap balikan ang mga ala-alang puno ng kalokohan at kapilyuhan...hindi mo maaiwasan na mapapangiti ka nito ng saglit ng hindi mo namamalayan... nakakatuwang balikan ang panahon ng pakikipagkopyahan kapag exam....ang pagbibigay ng mga bansag sa mga guro...ang pang-aasar sa mga guro... ang pakikipagbatuhan ng erase at chalk... ang paglalaro ng sipa at patintero bago pumasok sa klase ng pawisan...ang paggising ng umaga para umabot sa flag ceremony... ang masayang pamumukpok ng guidance teacher sa mga estudyanteng mahahaba ang buhok... syempre hindi mo din malilimutan ang pag-cucut ng klase at pag-akyat sa bakod ng paaralan... sino naman ang makakalimot sa mga teachers na paborito kang patayuin sa klase dahil hindi mo nasagot ang tanong nila...hindi mo din makakaligtaan ang ginawang pagtakas sa likuran habang nagklaklase ang guro dahil may usapan kayong magkita ng iyong nililigawan...sino ang makakalimot sa mga magaganda at seksi mong kaklase at schoolmate...hindi mo din siguro makakaligtaan ang pagbusted sa iyo ng crush mo o ang pagtakbo nito habang palapit ka... yung tipong mukha kang stalker... hindi mo din makakalimutan ang inyong mga first time...first kiss, first dance, first busted...first date, first laklakan....

ilan lamang ang mga iyan sa libo-libong masasayang alaala noong tayo ay nasa mataas na paaralan pa...mga alaalang naging parte na ng aming sistema...ng aking sistema...nakakatuwa dahil lumipas na ang sapung taon...heto pa din kami...bagama't may ilang nawala...halos nandito pa din ang karamihan... ang youtube video na akin pong ibinahagi sa inyo ay aming kuha ng kami ay gumala sa malolos, bulacan at inuman sa N20 bar...opo, tama inuman po iyon... alam kong alam nyo na hindi ako umiinom (ng alak)... pero hindi po ako KJ...at dahil minsan lang yun sa sampung taon...marapat lamang ay pagbigyan ko sila... sampung taon...ang iba sa amin may asawa na...may anak na...ilan na lamang ang single... ilan sa kanila ang nagkatuluyan pagkalipas ng matagal na panahon ng pagsasama at pakakakilala...si ben at rose...mavic at VP...regie at nerilyn...kung may hahangaan man akong mga nag-iibigan... sila iyon... apat na taon sa high school...at nanatiling matatag hanggang sa ngayon...mahigit sa sampung taon na pagsasamahan, mahigit sa sampung taon na pagiibigan... hindi mo aakalain na sa finals sila pa din ang magkikita...bow ako sa kanila... kung may mga ganitong kwento meron din mga pares na hindi naging sila sa dulo... hindi man nagkatuluyan...naging masaya naman sa kanya kanyang landas na tinahak...

sampung taon...hanggang sa susunod na sampung taon... magkikita-kita pa din tayo... ^_^





24 komentaryos: